PINATAY | Pangalawang aid worker pinatay ng teroristang grupong Boko Haram sa Nigeria

Pinatay ng teroristang grupong Boko Haram ang ikalawang aid worker na bihag nito sa Nigeria matapos lumipas ang deadline na itinakda para siya ay tubusin.

Binihag ng Boko Haram si Hauwa Mohammed Liman noong pang Marso kasama ang ang dalawa pang aid worker ng International Committee of the Red Cross (ICRC) matapos nilang salakayin ang isang military facility.

Nagtatrabaho si Liman sa isang ospital na sinusuportahan ng ICRC para sa mga apektado ng gulo sa Borno State.


Noong nakaraang buwan pinatay din ng mga terorista si Saifura Hussaini Khorsa dahil din sa hindi nabayaran ang hininging ransom ng Boko Haram.

Mariing namang kinondena ng Nigerian government ang mga pagpatay.

Facebook Comments