MANILA – Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines ang “oplan kapayapaan” kapalit ng ipinapatupad na “oplan bayanihan” kontra terorismo.Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgar Arevalo – layon nitong pagsabayin ang military operations at development projects para masugpo ang terorismo, partikular sa Mindanao.Aminado din si Arevalo na may mga teroristang grupo na konektado sa iligal na droga.Kaya naman, binigyan aniya ang sandatahang lakas ng Pilipinas ni AFP Chief Lt. Gen. Eduardo Año ng anim na buwang deadline para pahinain ang pwersa ng mga teroristang grupo sa bansa.Nabatid na aabot sa 15,000 sundalo ang idinagdag ng afp sa mga nakatalaga ngayon sa Mindanao.
Facebook Comments