Oplan Ligtas Pamayanan ng BFP Santiago, Patuloy na Isinusulong!

Patuloy ang pagkilos ng Bureau of Fire Protection Santiago sa kanilang kampanya sa Oplan Ligtas na pamayanan bilang bahagi ng pagpapa-alala sa mga residente ng kanilang pag-iingat at paghahanda upang makaiwas sa sunog.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni SFO1 Alberto Timbal ang chief investigator ng BFP santiago sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, nagsasagawa na sila ng mga drills at mga lecture sa mga barangay bilang bahagi nh kanilang aksyon sa kanilang oplan ligtas na pamayanan.


Dagdag pa rito ay makikipagcoordinate na umano ang tanggapan ng BFP Santiago sa bawat barangay upang magsagawa ng massive inspection sa mga bahay-bahay upang matiyak na hindi na maulit ang nangyaring sunog sa isang subdibisyon sa lungsod ng santiago.

Matatandaan na kamakaylan ay nasawi ang anim na katao kabilang ang apat na menor de edad matapos tupukin ng apoy ang inuupahang bahay dahil sa faulty wirings.

Samantala, Panawagan naman ng naturang tanggapan na maging maingat at responsable lamang upang makaiwas sa sunog.

Facebook Comments