Manila, Philippines – Iminungkahi ni Ako Bicol Partylist Representative Aflredo Garbin na palitan ang pangalan ng kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga na ‘Oplan Tokhang’.
Mas makabubuti aniya kung tatawagin itong ‘Oplan Limpiya’ isang salitang Bicolano na ibig sabihin ay ‘linisin’.
Muli namang iginiit ni Presidetial Spokesperson Harry Roque na walang extrajudicial killings sa mga operasyon ng mga awtoridad.
Tugon ito ni Malacañang sa pahayag ni US Deputy Assistant Secretary of State James Walsh na nagiging positibo na ang pananaw ng Amerika sa war on drugs ng Pilipinas dahil sa mas maliit na bilang ng EJK sa bansa.
Facebook Comments