“OPLAN LINIS KALSADA” Operation, umarangkada na sa Gensan

General Santos City—Umarangkada na kaninang umaga ang pagpapatupad ng “Oplan Ligtas-Linis Kalsada” Operation na pinangunahan ng DILG, LGU Gensan at ng Gensan City Police Office.
Ang nasabing programa ay alinsunod sa nagpapatuloy na implementasyon ng Clearing Operation sa buong bansa.

Ayon kay Atty. Arnel Zapatos, Gensan City Administrator, ang pangunahing layonin nito ay masigurong ligtas ang mga pasahero na sasakay sa mga pampublikong sasakyan dahil narin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng vehicular accident dito sa lunsod at malinis ang mga pangunahing kalsada ng Gensan.

Bawal ang mag park sa mga lugar na no parking, bawal din ang mga kulurom, habang sisitahin ang mga slow moving vehicle na dadaan sa Inner Lane.


Samantala, hindi na hahayaan ng LGU Gensan na makapasok sa lunsod ang mga tricycle na galing ng ibang bayan at dito namamasada sa Gensan.

Haharangin umano sila ng mga enforcer sa mga entrance at hindi papayagang makapasok.

Naniniwala naman si Atty. Zapatos na walang mamaging epekto ang Oplan Linis Kalsada sa mga commuters dahil may sapat na bilang ng Public Utility Vehicles sa Gensan na kanilang masasakyan.

Facebook Comments