Oplan Paputok para sa ‘Ligtas Paskuhan’ at Pagsalubong sa bagong taon, Inilarga na ng PNP Santiago City!

*Santiago City*– Inilarga na ng mga otoridad ang Oplan Paputok para sa ‘Ligtas Paskuhan’ at Pagsalubong sa bagong taon sa Lungsod ng Santiago.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Arnel Cleto Atluna, nakahanda na ang kanilang pamunuan katuwang ang LGU at ibang mga ahensya ng gobyerno para sa pagpapanatili sa kapayapaan ng Lungsod.

Aniya, may mga nakatakdang aktibidad ang PNP Santiago City ngayong Yuletide season at patuloy naman ang pagbabantay at pagpapatrolya ng mga pulis sa mga matataong lugar lalo na sa mga simbahan.


Dagdag pa ni Atluna, na may mga nakatalaga para sa firecrackers at Fireworks display area upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.

Mahigpit rin aniya ang kanilang pagbabantay at pagbabawal sa paggamit o pagpapaputok ng mga baril upang makaiwas sa stray bullet o ligaw na bala at para na rin sa kapakanan ng mga Santiagueños.

Layunin anya ng Oplan Paputok na matiyak ang zero casualty ngayong Kapaskuhan at pagsalubong para sa Bagong Taon.

Facebook Comments