Umabot sa higit 20,000 pamilya o 84,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Quiel sa tatlong Rehiyon sa Luzon.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, naitala ang mga ito sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Region.
Nakapagbigay na ang DSWD ng Dalawang Milyong Pisong halaga ng tulong sa mga naapektuhang Pamilya.
Umabot naman sa 1.5 Million Pesos na halaga ng ayuda ang naipaabot ng pamahalaan para sa mga biktima ng Bagyong Quiel .
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, matinding napuruhan ng bagyo ang mga lalawigan sa Ilocos Region at Cagayan Valley.
Sa ngayon, umakyat na sa pito ang nasawi.
Facebook Comments