VP Robredo, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Gokongwei

Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Leni Robredo sa pamilya at kaanak ng Negosyanteng si John Gokongwei Jr. na pumanaw nitong Sabado sa edad 93.

Sa kanyang post Sa twitter, sinabi ni Robredo, patuloy na alalahanin ang maraming naging kontribusyon ni Gokongwei hindi lamang sa Business Community, pero maging sa pagtulong sa mga kapwa Pilipino.

Si Gokongwei ay Founder at Chairman Emeritus ng JG Summit Holdins Inc.


Siya rin ay Director ng Cebu Air Inc., at Robinsons Retaile Holdings Inc.

Ikatlo si Gokongwei sa 2019 Forbes Philippines Rich List na may net worth na $5.3 Billion.

Facebook Comments