Oplan Semana Santa ng CAAP, epektibo na

Manila, Philippines –  Epektibo na ngayong linggo ang Oplan SemanaSanta ng civil Aviation Authority of the Philippines.

 
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio ,kasabay ng OplanSemana Santa ang pagpapatupad nila ng oplan summer  sa mga paliparan.

 
Sinabi ni Apolonio na sa tatlumput limang airport nasakop ng CAAP, labing dalawang area managers na ang binigyan nila nginstruction kabilang na ang standard procedure para sa inaasahang pagdagsa ngmga pasahero.


 
Kabilang dito ang pagkansela sa leave ng kanilang mgatauhan sa mga paliparan.

 
Ayon kay Apolonio, walong porsiyento ang itinataas savolume ng mga  pasahero sa airport kapagganitong lenten season.

 
May ilan din aniyang airport sa bansa  ang nagpapatupad ng bente kwatro oras naoperasyon kapag holy week.

 
Tiniyak din ni Apolonio ang seguridad sa mga paliparanlalo nat kapartner nila ang PNP Aviation Security Group.

 

Facebook Comments