Isang hinihinalang holdaper, kalaboso matapos mahulihan nga patalim sa Pasay

20

Manila, Philippines –  Kalaboso ang isang lalaki na hinihinalangholdaper matapos mahulihan ng patalim sa lungsod ng Pasay.

 
Nakilala ang suspek na si Dionito Agres, 37-anyos,miyembro ng Sputnik Gang, at residente ng Brgy. Sta. Ana, bayan ng Pateros.

 
Ayon kay PO1 Rex Asuncion ng Arnaiz-Taft PCP, nagpapatrolyasiya sa footbridge sa Buendia Avenue corner Leveriza Street nang mamataan niyaang suspek na kahina hinala ang kilos.

 
Matapos ito ay agad na sinita ng pulis si Agres dahil saumano’y kahina-hinalang kilos at nang kapkapan ay nakuha mula sa suspek angisang siyam na pulgadang kutsilyo.

 
Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong illegalpossession of bladed weapon sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments