Quezon City – Mas paiigtingin ng QCPD ang ipinatutupad na Oplan Sita at Operation Bakal simula sa linggo Oktubre a-uno ng taong kasalukuyan sa unang araw ng pagpapatupad ng COMELEC gun ban.
Ayon kay QCPD director Pchief Supt. Guillermo Eleazar, ginawa ang hakbang upang mas mapababa ang insidente ng krimen sa ibat-ibang lugar sa Quezon City.
Aniya, kanyang inatasan ang 12 himpilan ng QCPD na patuloy na ipatupad ang checkpoint sa kanilang mga lugar na nasasakupan gayundin ang Operation Bakal sa mga club at KTV bar.
Samantala, upang mapanatili ang pagbibigay seguridad sa mga malls at malalaking establisyimento ngayong nalalapit na holiday season.
Sinabi ni Eleazar na tuloy-tuloy ang ugnayan, exercise, at mga drill ng QCPD at security management para mapanatili ang crime prevention effort.
Maging ang mga private at public cemetery, at mga simbahan sa lungsod ay kanila na ring pinaghandaan kung saan magtatalaga sila ng kanilang mga tauhan na magbibigay seguridad sa mga magtutungo sa mga sementeryo at magsisimbang gabi.