OPLAN SITA | Motorista, huli dahil sa droga

Pasig City – Agad na naaresto ang isang motorcycle rider matapos siyang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang Oplan Sita sa Pasig City.

Ayon sa imbestigasyon, pinahinto ang naarestong si Victory Mangawang, 41-anyos na nagmamaneho ng motorsiklo sa Mariano corner Octagon St. sa Barangay Dela Paz.

Nang hingan siya ng lisensiya, nasama sa pagkuha nito ang limang sachet ng hinihinalang shabu.


Ayon kay Barangay Kagawad Isidro Mariano Jr., ilang beses na rin silang may nahuli sa lugar kaya pinaigting nila ang oplan sita.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA ang lalaki.

Facebook Comments