Naglatag na ng outpost ang magkakasanib na pwersa ng PNP,BFP,at Rescue unit ng local na pamahalaan ng Benito Soliven sa gilid ng Pinacanauan River na matatagpuan sa barangay Yeban Norte bang paghahanda sa pagdagsa ng mga maliligo sa nasabing ilog sa mga susunod na araw.
Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN News kay Senior Fire Officer 3 Esperdion Telan,Acting Fire Marshall ng nasabing bayan,pinaaga nila ang pagmomonitor sa naturang lugar dahil ilan sa mga mamamayan dito ay maagang nagtutungo sa ilog pPinacanauan pagkatapos nilang magnilay nilay sa semana santa.
Nakaugalian na umano ng mga residente sa nasabing lugar na at ilan pang mga dayuhan sa lugar na magtungo sa ilog kahit dpa tapos ang paggunita sa semana santa kalimitan umano ay napupuno ang ilog sa mga bakasyonista tuwing araw ng sabado de gloria hanggang linggo ng pagkabuhay ni Hesus ay sadyang napakarami ang nagtutungo sa narurang lugar upang maglibang sa paliligo dahil sa malinis at malamig na tubig ng Pinacanauan.
Dahil dito ay maaga rin umano silang naglatag ng command post upang magabayan at mabantayan ang mga maliligo upang maiwasan ang aksidente ng pagkakalunod.
Nakikiusap dun sila sa mga magtutungo sa lugar na kung maaari ay iwasan ang sobrang kalasingan bago maligo na malimit na sanhi ng mga pagkakalunod sa mga ilog,at wag magkakalat ng mga basura dahil malaki ang epekto nilo sa kanilisan ng nasabing ilog na isa sa mga dinarayo ng mga bakasyonista.