IMPLEMENTASYON NG MGA PROGRAMA PARA SA ADOPTION AT ALTERNATIVE CHILD CARE, TINUTUTUKAN SA DAGUPAN CITY

Pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang implementasyon ng mga programa para sa adoption at alternative child care sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement kasama ang National Authority for Child Care sa isang seremonya na ginanap kahapon, Marso 12.

Layunin ng kasunduan na mas mapagtibay ang mga programang naglalayong maprotektahan at masuportahan ang mga batang nakaranas ng kapabayaan, pag-abandona, at iba pang mahihirap na sitwasyon.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, mahalagang hakbang ang naturang partnership upang higit na mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Dumalo rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa National Authority for Child Care, kabilang ang mga opisyal ng Regional Alternative Child Care Office, gayundin ang mga regional at local child welfare officers, mga opisyal ng lungsod, mga lider ng barangay, at mga community health at population workers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments