OPLAN TABANG NG RMN FOUNDATION INC AT PFIZER PHILIPPINES FOUNDATION, INC UMARANGKADA SA PANGASINAN

50

DAGUPAN CITY – Sa pamamagitan ng 104.7 IFM Dagupan, naihatid ang tulong mula sa RMN Foundation Inc at Pfizer Philippines Foundation, Inc para sa OPLAN TABANG: TULONG SA BAWAT PANGASINENSE KONTRA COVID-19. Nitong nakaraang linggo dalawang beses nag-hatid ng tulong ang News Team at DJs ng istasyon para sa ilang tricycle drivers, front-liners, at mga mahihirap nating kababayan.

Ipinamahagi sa mga nasabing beneficiaries ang face-masks, hygiene kits, bigas, at ilang grocery items. Kabilang sa mga nakinabang din ay mga basurero, traffic enforcers, at security guards na itinuturing din na mga front-liners. Binigyang diin ni Mark Espinosa, ang Station Manager ng IFM Dagupan na lahat ng klase ng tulong malaki man o maliit ay may impact sa buhay ng tao. Ang proyektong ito ay simultaneous na isinagawa sa buong bansa katuwang ang higit 60 AM & FM radio stations ng RMN.


Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng RMN sa lahat ng tumugon sa pag-tulong na ito sa pangunguna ng RMN Foundation Inc at Pfizer Philippines Foundation, Inc para sa masang pilipino.

#TATAKRMN
#BayanNiJuanLabanSaCOVID19
#RMNFoundation
#ifmdagupan

Facebook Comments