AIKO MELENDEZ, RUMESBAK SA MGA BASHERS NIYA

22

Sa industriya ng showbiz, kaakibat na talaga nito ang mga puna mula sa mga tao na maaaring positive or negative. Maari kang purihin, maari ka ring ma bash. Ang beteranang aktres na si Aiko Melendez ang latest na biktima ng bashers ngayon. Kapansin pansin kasi sa mga latest na Instagram post ng 44 years old actress ang mga picture nito kung saan makikitang malaki ang ipinayat niya. Noon pa man ay na ba-bash na ito dahil sa pagiging plus size. At nitong quarantine nga ay tila ginugol ng aktres ang oras niya upang magpayat.

Subalit mayroon parin talagang hindi masiyahan sa mga nakikita nila sa post ng aktres at inakusahan na edited umano ang litrato nito upang mag mukha siyang payat. Saad ni Aiko sa kanyang post nitong Sabado, May 30 kung saan nakasuot sìya ng strapless red gown, “Asan ang edit diyan?” Dagdag pa ng aktres, bakit daw hindi na lamang maging masaya ang mga tao kapag na achieve ng isa ang goal nito. Ayun pa sa post niya, “noong mataba ako sabi niyo mukha akong nanay. Now naman, enidet ko.


Hindi ba pwedeng I worked hard for it?” Saad ng aktres. Mayroon din namang mga netizen na pinuri ang hubog ng katawan ni Aiko. At ayon sa kanya, low calorie diet ang ginagawa niya at may kasabay na treatment at pag inom ng supplements. Kaya naman 13.5 kilos na daw ang nabawas sa kanyang timbang. Para sa aktres, ang pag edit ng larawan ay para mo na ring niloloko ang sarili mo. Kaya hindi raw niya ito ginagawa sa mga photo na pinopost niya sa Instagram.

Facebook Comments