Oplan Tabang ng RMN Foundation, nagbigay ng hygiene kits sa mga nasunugan sa Brgy Paligsahan, QC

Laking pasasalamat ni Brgy. Chairperson Cecilia Tiamson sa RMN Foundation dahil sa mga ayudang ipinagkaloob sa mga nasunugang residente ng Brgy Paligsahan, Quezon City.

Ayon kay Punong Brgy Tiamson, malaking tulong ang mga hygiene kits mula ACS Manufacturing Corporation tulad ng Pride Detergent at Smart Dishwashing Liquid at tubig mula sa Maynilad bilang tulong sa mga naapektuhan ng sunog sa Brgy Paligsahan.

Nasa 211 families o halos isang libong indibidwal ang nabigyan ng tulong ng RMN Foundation.


Samantala, bago matapos ang programa, kinantahan pa ng mga batang benepisyaryo si Sir Enrico Canoy, ang Executive Vice President at Chief Operations Officer ng RMN Networks na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Lunes, Feb 28, 2022.

Laking tuwa ni Sir Rico na nakapagbigay siya ng ngiti at saya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Magkakatuwang na naghatid ng biyaya ang DZXL, IFM, DWWW sa pangunguna ng RMN Foundation.

Facebook Comments