Naghahanda na ang RMN Foundation Inc. at RMN DZXL 558 Radyo Trabaho team para sa “Oplan tabang sa mga nasunugan” sa Quezon City.
Sa pangunguna ni RMN Foundation head Rhoda Navarro, maghahatid nang tulong ngayong araw ang grupo sa mga naapektuhan ng sunog sa Barangay Paligsahan noong nakaraang linggo.
Nabatid na ang mga residenteng nawalan ng tirahan ay kasalukuyang nasa evacuation center sa Manuel Roxas High School.
Target na mabigyan naman na mahatiran ng tulong ang nasa 250 pamilya o halos isang libong indibidwal.
Kabilang sa mga ipamimigay ay bottled water at hygiene care packs na nakalagay sa timba na may kasamang tabo.
Katuwang rin sa proyektong ito ang 93.9 iFM Manila at DWWW 774 Your Ultimate Newsic Radio.
Samantala, sa mga gustong magpaabot ng tulong, maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa BPI account no. 0071-1015-25 o makipag-ugnayan sa RMN Foundation Facebook page o mag-email sa rmnfoundation@rmn.ph.