HALOS P500K HALAGA NG MARIJUANA, KUMPISKADO SA ISANG LALAKI SA BUY BUST OPERATION SA MANGALDAN

68
MANGALDAN, PANGASINAN – Umaabot sa halos kalahating milyong pisong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan sa isang lalaki na kabilang sa high value target sa bayan ng Mangaldan.
Ang suspek ay nakilalang si Jaspher Base Dalan, residente ng Brgy. Anolid sa nasabing bayan.
Ikinasa ang buy-bust operation kahapon, ika-22 ng Pebrero kung saan nagtapos ang inventory ng gabi dahil sa dami ng mga paraphernalia at ebidensiya na nakuha sa suspek.

Kinabibilangan nito ng 50 grams ng suspected cash na aabot ng ₱70k ang halaga, marijuana oil na nagkakahalaga ng ₱110k, at marijuana fruiting na nagkakahalaga naman ng ₱300k.
Sumatotal ay tinatayang nasa ₱480k ang halaga ng mga nakumpiska sa suspek kasama pa ang ilang paraphernalias ayon sa PDEA.
Modus ng suspek ang pagbebenta ng mga kabute subalit nakalagay umano sa loob nito ang mga nakabalot ng marijuana.
Patong-patong na kaso ngayon ang kakaharapin ng nasabing suspek. | ifmnews
Facebook Comments