Oplan Tokhang sa Santiago City, Mas Pinaigting!

Santiago City, Isabela- Sa ika-apat na araw ng pag-aksyon ng PNP Santiago sa pagbabalik ng Oplan Tokhang, nasa apat na personalidad na ang napasuko mula sa 48 Drug Identified.

Ito ang inihayag ni Police Chief Inspector Rolando Gatan ng Station 1 PNP Santiago City sa operasyon ng Oplan Tokhang na pinangunahan ni Deputy Station Commander Dennis Matias kasama ang ilang represintante ng Barangay Drug Abuse Council (BADAC) at Pastor kahapon, Pebrero 1, 2018 sa lungsod ng Santiago, Isabela.

Sa naging ugnayan ng RMN Cauayan News Team kay PCI Gatan, kanyang sinabi na posibleng maisakatuparan ng mabilis at maayos ang kanilang misyon sa tulong na rin ng ibang sangay ng kapulisan at mismong pagsuko ng mga personalidad.


Kumpyansa ang hepe na nasa maayos na pagsasagawa ang kanilang kampanya kontra droga at sinisigurong walang malalabag na karapatang pantao.

Payo pa ng hepe sa lahat ng mga personalidad na kabilang sa kanilang watch list na mas mainam na sumunod na lamang sa batas na ipinapatupad ng pangulo upang mabura na ang kanilang nakalistang pangalan at para na rin sa kanilang mismong ikabubuti.

Tuloy-tuloy lamang ang kanilang pagtutok hanggang maisakatuparan lahat ng mga naitalang drug identified sa kanilang watch list.

Facebook Comments