Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na dapat ng ibasura at palitan ng ibang istratehiya ang oplan tokhang na programa ng Philippine National Police laban sa mga sangkot sa iligal na droga. Mungkahi ni Hontiveros, sa halip na oplan tokhang ay dapat magpatupad na lang ang gobyerno ng Barangay Health and Rehabilitation Strategy at iyan ay nakapaloob sa inihain niyang Senate bill 1313. Binigyang diin ni Hontiveros sa kanyang panukala na dapat ay makatao, rehabilitative, at hindi bukas sa pag-abuso ng mga otoridad ang hakbang para tugunan ang problema sa iligal na droga ng bansa. Ayon kay Hontiveros, isang Comprehensive Public Health Approach ang kailangan para harapin ang problema sa iligal na droga ng bansa. Bukod dito, sesentro din ang panukalang batas ng Senadora sa limang haligi: •tulad ng internal cleansing sa law enforcement agencies; •pagpapalit sa mga natanggal na pulis ng mga mas matitinong tagapagpatupad ng batas na may matataas na sweldo; •pagsasaayos ng imprastraktura ng gobyerno kabilang ang nationwide automated crime reporting system, mga security camera command center, at modernong laboratory; •pagpapalakas sa kakayahan ng mga komunidad na i-police ang sarili; •at panghuli, ang pagtutok sa pagtugis sa mga big time drug lords at mga sindikato.
Oplan Tokhang, Tuluyan Ng Pinababasura Ni Senator Hontiveros
Facebook Comments