OPLAN UNDAS | Obstruction clearing sa mga kalsadang malapit sa mga sementeryo, inumpisahan na

Manila, Philippines – Sinimulan nang baklasin at alisin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga obstruction sa mga lansangan malapit sa mga sementeryo sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.

Ayon sa MMDA, nakatoka ang kanilang task force special operations sa paglilinis sa mga kalsada habang ang metro parkway clearing group ay sa bisinidad ng malalaking sementeryo.

Kabilang sa mga babantayan ng MMDA ang Manila North Cemetery sa Maynila, Manila South Cemetery sa Makati, Loyola Memorial sa Marikina, Bagbag Cemetery sa Quezon City at Manila Memorial Park sa Parañaque.


Nakatakda namang simulan ng MMDA sa Oktubre 27 ang kanilang oplan Undas kung saan magpapakalat sila ng nasa 2,000 traffic personnel sa mga critical area.

Inanunsyo na rin ng MMDA ang kanselado ng number coding sa Nobyembre 1 at 2 na deklaradong special non-working holiday.

Facebook Comments