Mallig, Isabela- Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng PNP Mallig ang Oplan VISA at Oplan Sita sa kanilang bayan upang mas lalo umanong matutukan ang mga krimeng nagaganap at mahuli ang mga kawatan nagumagamit ng mga motorsiklo.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Loreto Infante, ang hepe ng PNP Mallig ay sinabi nito na ito umano ang isa sa kanilang tinitutukan ngayon upang mamonitor kung ang mga motorsiklo na ginagamit ng mga taong dumadaan sa kanilang bayan ay legal na nairehistro.
Paliwanag pa ni PSI Infante ay mas madali din umanong malaman kung ang mga ito ay na carnap dahil sa mayroon din umanong ID Card na ipinapakita ng mga motorista sa mga police na nagsasagawa ng Check point.
Dagdag pa niya ay madami din umano silang nahuhuli kung saan ay na-iimpound pa ang mga motor ng mga nahuhuli at makukuha lamang ito kung makakapagbayad na sila ng karampatang bayarin sa munisipyo ng nasabing bayan.
Naniniwala naman si PSI Infante na ang pagtutok sa pagsita ng OPLAN VISA ng mga motorsiklo ay isa ding paraan upang makatulong sa pagsugpo ng krimen sa isang bayan.