Oportunidad para sa mga Pinoy worker na makapagtrabaho sa Saudi Arabia, naghihintay ayon kay PBBM

Malaki ang tyansa na muling mangailangan ng maraming manggagawa ang Saudi Arabia.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ang kanilang naging bilateral meeting ni Saudi Crown Prince and Prime Minister Mohamed bin Salman sa Bangkok, Thailand.

Sa panayam ng Philippine Media Delegation sa pangulo, sinabi nitong may inilalatag na massive development plan ang Kingdom of Saudi Arabia para palawakin at palakasin pa ang ekonomiya nito.


Sinabi ng pangulo, isang oportunidad naman ito sa bansa para makapagpadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Saudi Arabia.

Kaugnay nito ay muli aniya nila itong pag-uusapan ni Crown Prince at Prime Minister Salman.

Natalakay rin ng dalawang lider ang mga isyu may kinalaman sa fuel at oil supply.

Facebook Comments