Oportunidad sa construction business, gustong samantalahin ng mga tambay sa Brgy. 102 sa Tondo, Maynila

Magbabahay-bahay na ang mga opisyal ng Barangay 102 para kumbinsihin ang mga tambay sa kanilang lugar para magtungo sa Job fair ng DZXL RMN Manila sa Agosto 29

Ayon kay Barangay Kagawad Fernando Balaes, 30-40 percent ng kanilang mga kabataan ay walang trabaho sa kasalukuyan.

Ilan kasi aniya ay tamad mag-aral kahit mayroong Alternative Learning System na magbibigay sa kanila ng kapasidad.


Pero, ani Fernando, may mga out-of-school youth sila na naghahanap pa rin ng tamang oportunidad.

Sila ay ang mga sumasama sa mga nagrirepair ng airconditioning unit at refrigerator at may ilang nagpulis na di pinalad.

Bukas ay mag-iikot sa mga iskinita gamit ang public address system para ianunsyo ang job fair ng DZXL.

Ikakalat din nila ang mga flyers ng Radyo Trabaho  at kukumbinsihing maghanap ng trabaho.

Dagdag ni Fernando, ang Barangay 102 ay mayaman sa mga laborers lalo na at napapaligiran ito ng mga proyektong pagtatayo ng town houses.

Marami pa sa mga lakas paggawa na ito ay hindi pa naa-absorb at maaaring makakuha ng oportunidad sa darating na job fair.

Facebook Comments