Oportunidad sa food delivery service, binuksan sa 150 tricycle drivers sa Valenzuela City

Magkakaroon ng dagdag hanapbuhay sa food delivery service ang 150 tricycle drivers sa Valenzuela City.

Masaya itong ibinalita ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian makaraang maiselyo ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Food Panda Philippines Incorporated.

Ayon kay Gatchalian, ang oportunidad na ito ay malaking tulong para sa mga tricycle drivers sa lungsod na naapektuhan ng pandemya.


Ang screening para sa kwalipikadong mga tricycle drivers ay isasagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Valenzuela at ng Public Order and Safety Group.

Ang mapipiling 150 tricycle drivers ay isasailalim sa training para maging opisyal na pandaTODA rider.

Facebook Comments