Oposisyon, hindi mapipigilan ang pagpapasa ng death penalty

Kampante si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi mapipigilan ng mga anti-death penalty ang pagsasabatas sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hindi kukunsintihin ng liderato ng Kamara ang tinawag ni Speaker na "tyranny of minority" bunsod ng mga batikos na inaani ng supermajority simula pa kagabi.

Ipinagtanggol ni Alvarez ang liderato ng kamara sa pagtawag ng anti-death penalty advocates sa kapulungan bilang chamber of bullies and puppets.

Ayon sa Speaker, makikita sa journal ng Kamara ang naging proseso at malinaw na sinunod ng mayorya ang rules.

Giit nito, hindi nila hahayaang mangibabaw ang minorya sa naising ipasa ang panukalang magbabalik sa parusang kamatayan.

Sa susunod na linggo ay pagbobotohan na ang death penalty bill sa ikatlo at huling pagbasa at inaasahan ni Alvarez ang mahigit 200 boto pabor sa priority legislation ng Duterte Administration.




Facebook Comments