Manila, Philippines – Tuluyan ng binawi ng Independent Minority sa Kamara ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang hindi nila pagtuloy sa paghahain ng petisyon ay bunsod na rin ng pagsuporta ng SC sa discretion ng Kongreso.
Patunay aniya sa palaging pagpabor ng Korte Suprema ang pagbasura sa naunang petisyon kontra batas militar na inihain din ng Magnificent 7.
Maliban dito, ibinasura din ng Supreme Court ang pagkwestyon nila sa minority leadership ni Quezon Rep. Danilo Suarez gayundin ang petisyon na dapat magconvene sa joint session ang Kongreso para talakayin ang martial law noong May23.
Naniniwala ang kongresista na/balewala na isulong pa ang pagpapawalang saysay sa martial law extension.
Ang gagawin ngayon ng Magnificent 7 ay magbabantay sa anumang pang-aabuso na malilikha dahil sa batas militar saka nila iaapela sa Korte Suprema.