Oposisyon sa Senado, bukas na suportahan ang exploration ng Pilipinas sa WPS

Bukas si Senator Risa Hontiveros na suportahan ang exploration ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay na rin ito sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na itutuloy ng bansa ang exploration sa WPS, may kasunduan man o wala sa China.

Hamon ni Hontiveros, ang sinabing ito ng pangulo ay dapat masuportahan ng aktwal na exploration.


Sinabi ng senadora na susuportahan ang efforts na ito ng pamahalaan kung masusunod ang mga panuntunan pagdating sa financial, legal at technical capacity at nakatutugon sa layuning poprotektahan ang “best interests” ng mga Pilipino.

Umaasa si Hontiveros na hindi lamang ito “lip service” o hanggang salita lang ng pangulo na narinig na rin noon sa mga nagdaang pamahalaan.

Nagpaalala rin ang mambabatas na kung may kasunduan man ang Pilipinas sa pagitan ng mga foreign partners, dapat ito ay salig sa Konstitusyon at pinangungunahan ng Philippine National Oil Company.

Facebook Comments