PBBM, pangungunahan ang ceremonial turn-over ng ilang pabahay ng pamahalaan sa Cavite ngayong araw

Pangungunahan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang pagkakaloob ng bahay at lupa sa ilang beneficiary ng housing project ng gobyerno.

Ang awarding ceremony ay gagawin sa Barangay Calubcob, Naic, Cavite.

Sa nabanggit na ceremonial turn-over ng lupa’t bahay na pangungunahan mismo ng presidente ay dalawang set ng 7 pares ng beneficiaries ang mabibiyayaan.


Ang isang batch ng 7 pares na mapagkalooban ng certificate of house and lot ay inilaan para sa mga dating rebelde.

Makakasama ni Pangulong Marcos sa housing turn-over ceremony si Department of Housing Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Una nang inihayag ng Malacañang na target ng Marcos administration na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon para sa pamilyang Pilipino hanggang 2028.



Facebook Comments