Oposisyon sa Senado, maglalatag ng amyenda para bawasan at mailipat ang confidential at intelligence funds

Courtesy: Senate of the Philippines

Maglalatag ng mga panukalang amyenda si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa mga ahensya ng gobyerno na nabigyan ng confidential at intelligence funds (CIF) sa oras na sumalang ang mga ito sa plenaryo.

Ito ay matapos makwestyon ni Pimentel sa budget deliberation ngayong umaga ang nasa P9.3 billion na confidential at intelligence funds na nakapaloob sa pambansang pondo ng susunod na taon.

Tatlong ahensya ang sinita ni Pimentel na nabigyan ng CIF, ang Office of the Vice President (OVP) na nasa P500 million, Department of Education (DepEd) na nasa P150 million at Office of the Solicitor General (OSG) na nasa P19.2 million.


Giit ng opposition senator, dapat na pigilan ang pagbibigay ng CIF sa mga ahensyang ito dahil kapag naumpisahan na ay mahirap na itong pahintuin at magiging obligasyon na ito taun-taon sa mga nabanggit na ahensya.

Katwiran naman ni Angara, ang confidential at intelligence funds ay may “flexibility” na pwedeng ilaan sa iba pang pangangailangan hindi katulad kung ilalagay ito sa “line item” ay doon lang dapat gagamitin ang pondo.

Sinabi ni Pimentel na kapag sumalang ang mga nasabing ahensya sa deliberasyon ay magpapanukala sila ng amendments para matapyasan ang CIF ng mga ito at hihilingin na mailipat ang nasabing pondo sa mga programa at proyekto na higit na kailangan ng bansa tulad ng pagkain, ayuda, trabaho at kalusugan.

Facebook Comments