Anak ni DOJ Sec. Remulla, dumalo sa hearing sa Pasay kaugnay ng kanyang kasong illegal drug importation

Muling humarap sa Pasay City Prosecutor’s Office ang anak ni Justice Secretary Crispin Remulla na si Juanito Jose Remulla III.

Kaugnay ito ng preliminary investigation sa kanyang kasong illegal drug importation.

Ito ay matapos masamsam sa kanya ang parcel na naglalaman ng P1.3 million halaga ng high-grade marijuana.


Escorted ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang anak ng kalihim.

Ayon sa abogado ni Remulla na si Atty. Jose Christopher Belmonte, submitted for resolution na ang kaso.

Kinumpirma naman ni Deputy City Prosecutor Joselito de Asas na hindi na naghain ng counter affidavit ang kampo ng batang Remulla at nag-waive na ito ng kanyang karapatan na maghain ng kontra-salaysay.

Facebook Comments