Oposisyon sa Senado, umaasang babalik na ang interparliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at Kamara

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na babalik na ang interparliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at Kamara matapos ang pagkakasundong naganap sa pagitan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez.

Mababatid na sa ika 100-kaarawan ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ay naganap ang kamayan at nagkasundo ang dalawang lider ng Kongreso na itigil na ang bangayan at tapusin na ang pag-apruba sa mga mahahalagang panukalang batas.

Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang makakawala na ang sinuman sa mga lider sa pagkakasabwat sa pekeng People’s Initiative.


Aniya, malaking bagay kung mangyayari ito para manumbalik ang mutual na interparliamentary courtesy ng dalawang kapulungan na mula’t sapul ay pinapairal na ng Senado at Kamara.

Inaasahan din ni Hontiveros na magiging hudyat na ito para maibuhos ng mga mambabatas ang kanilang atensyon sa pag-apruba ng mga priority legislation at hindi ang pekeng People’s Initiative.

Facebook Comments