Oposisyon, suportado ang Anti-Discrimination Law na isinusulong ni Pangulong Duterte

73

Kinatigan ni Buhay Rep. Lito Atienza ang pagsusulong ni Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang Anti-Discrimination Law.

Ayon kay Atienza, magkakasundo sila ng Pangulo pagdating dito dahil mas mainam itong talakayin at isabatas kumpara sa SOGIE BILL.


Hindi aniya dapat nalilimita sa diskriminasyon sa kasarian ang ipapasang panukala at hindi rin naman nararapat na baguhin kung ano man ang gender mula ng isilang ang isang tao.

Hindi naman aniya maaring mabuntis ang lalaki ng kapwa lalaki at babae ng kapwa babae.

Paliwanag pa ng mambabatas, nagsalita na ang greater majority lalo na ang mga kababaihan sa kanilang pagtutol sa SOGIE Bill.

Facebook Comments

From Advertisers