Wanted sa Kasong Illegal Logging, Huli!

75

*Cauayan City, Isabela- *Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang isang binata na wanted sa kasong illegal logging matapos maaresto sa Cabisera 15, Barangay San Antonio, Ilagan City, Isabela.

Ang akusado na kinilalang si Kenkarlo Tagata, 20-anyos, binata at residente ng Cabisera 15, Brgy. San Antonio, Ilagan City, Isabela ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, 2nd Judicial Region, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging.


May inirekomendang piyansa ang korte na halagang P40,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay pansamantalang nasa piitan ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers