Manila, Philippines – Suportado nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Liberal Party President Senator Francis Kiko Pangilinan ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto muna ang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines – National Democratic Front o CPP-NDF.
Ayon kay Senator Drilon, tama lang na wala munang magkaroon ng peace talks ang gobyerno sa komunistang grupo.
Ito aniya ay hangga’t patuloy ang mga pag-atake at paghahasik ng karahasan ng New People’s Army o NPA.
Katwiran naman ni Senator Pangilinan, makabubuting huwag bumalik sa negotiating table hanggat hindi natitiyak na in good faith o may mabuting layunin sa pakikipag-usap ang magkabilang panig.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558