Opsyonal na paggamit ng face mask ng mga estudyante sa open spaces, pinapayagan na ng DepEd

Pinapayagan na ng Department of Education (DepEd) ang opsyonal na pagsusuot ng face mask ng mga studyante sa mga open spaces.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, batay sa panuntunan na ibinababa ng DepEd sa mga paaralan ay tatalima na rin sila sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga hindi mataong lugar.

Nilinaw naman ni Poa na kailangang hindi matao at may maayos na bentilasyon ang open spaces at obligado pa rin naman ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga silid-aralan.


Samantala, tiniyak naman ng DepEd na may tulong na nakalaan para sa mga gurong magpopositibo sa COVID-19.

Excused o makakatanggap din ng paid leave ang mga guro na kailangang mag-isolate dahil may sintomas virus at may close contact exposure.

Facebook Comments