Sinabi ni OMB Chairman Atty. Christian Aguila Natividad na kukunin nila ang pagsang-ayon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nais nilang ipagamit sa distance learning ng mga estudyante ang mga nasabat na computers at gadgets.
Imbes na sirain ang mga ito, dadalhin sa mga eskwelahan at Local Government Unit (LGU) ang mga nakuhang kontrabando.
Una nang nasabat ng OMB sa 3M Compound Brgy. Sta Rosa Marilao, Bulacan ang hindi bababa sa ₱200 million na halaga ng mga piniratang computers at gadgets.
Ilegal na nakapasok ang mga ito sa Bureau of Customs (BOC) matapos mabigo ang may-ari na Filipino-Chinese na makapagpakita ng import permit.
Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang may-ari at walong empleyado nito kung saan maaaring makulong ng hanggang walong taon.