Optional na pagsusuot ng face mask sa Cebu City, posibleng bawiin kapag tumaas ang COVID-19 cases

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na agad na babawiin ang optional na pagsusuot ng face mask sa Cebu City oras na tumaas ang kaso ng COVID-19 doon.

Sinabi ni Health Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon ay trial pa lamang ang pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa Cebu City.

Nagpulong na rin ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.


Nakatakda ring mag-anunsyo ang DOH sakaling may rekomendasyon na sila sa pamahalaan hinggil sa optional na pagsusuot ng face mask sa nasabing lungsod.

Facebook Comments