Oral argument kaugnay ng petisyong inihain ni Senado ra Leila De Lima – nagsimula na; De Lima at Atty. Maria Cecille Cabalo, ipinapa-site for indirect contempt ng OSG

Manila, Philippines – Umarangkada na ang ikatlong bahagi ng oral argument hinggil sa petisyon ni Senador Leila De Lima na kumukuwestiyon sa utos na pag-papaaresto sa kanya ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga na inihain laban sa kanya ng DOJ.

 

Sa pambungad pa lamang na pananalita ni solicitor General Jose Calida, sinabi nitong nalabag ni Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo ang section 6 ng 2004 notarial rules.

 

Ito’y makaraang matuklasan ang iregularidad ng notaryo na nasa verification at certification against forum shopping na isinumite ni De Lima sa Korte Suprema.

 

Giit ng OSG, hindi naman kasi personal na pinanumpaan ni De Lima ang petisyon sa harap ng notary public kaya maituturing na falsified at untruthful ang petisyon nito.

 

Dahil dito, posibleng falsification na kasong kriminal sa ilalim ng revised penal code at reklamong administratibo ang ihahain nila laban kay De Lima at kay Cabalo.

 

Nais din ng OSG na ipa-site for indirect contempt of court ang dalawa.



Facebook Comments