Sisimulan na ngayong araw ang oral argument o pagdinig ng Korte Suprema sa mga petisyon na kumikwestiyon sa pagpapatupad ng No Contact Comprehension Policy (NCAP).
Itinakda ng Supreme Court (SC) ang oral argument ngayong alas-2:00 ng hapon.
Nauna nang ipinag-utos ng SC ang pansamantalang pagpapatigil ng NCAP sa limang lungsod sa Metro Manila, kasunod ng mga petisyon hinggil dito.
Kabilang sa mga naghain ang mga transport group na Kapit, Pasang Masda, ALTODAP, at ACTO.
Nauna nang iginiit ng mga naturang petitioner na walang legal na batayan at labag sa saligang batas ang NCAP kaya hinihiling nila na ipawalang bisa ito ng Korte Suprema.
Facebook Comments