Vhong Navarro, pansamantalang makalalaya sa piyansang P1-M

Pinayagan ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 ang aktor/host na si Vhong Navarro na pansamantalang makapag-piyansa kaugnay sa kasong rape na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo noong taong 2014.

Sa inilabas na desisyon ni Judge Loralie Cruz Datahan ay itinatakda sa isang milyon ang piyansang para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ito ay ayon na rin sa mga inilabas na mga desisyon ng hukuman at mga resulta ng ebidensiya at pahayag na inihain ng dalawang panig.


Facebook Comments