Oral argument sa kaso ni Sen. Leila De Lima, itinakda na sa March 14; mga respondent sa kaso, pinagkokomento ng Supreme Court

Manila, Philippines – Pormal nang inanunsyo ng Korte Suprema ang naging desisyon ng Supreme Court En Banc sa Petition for Certiorari and Prohibition ng kampo ni Senator Leila De Lima na inihain kahapon.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni SC Spokesman Atty. Theodore Te na binibigyan ng Korte Suprema ang mga respondent sa kaso na sina Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero at ang Philippine National Police ng sampung araw para magkomento sa hirit ng mga abogado ni De Lima.

Hindi naglabas ng temporary restraining order ang SC.

Itinakda naman ang oral argument sa March 14 (Martes) sa ganap na alas-2:00 ng hapon para dinggin ang panig ng magkabilang kampo.

Matatandaang kahapon ay humirit sa Korte Suprema ang mga abogado ni De Lima na maglabas ng TRO at ipawalang bisa ang arrest warrant ng Muntinlupa RTC.

Naniniwala kasi ang kampo ni De Lima na walang hurisdiksyon ang Muntinlupa RTC sa reklamo ng Department of Justice at iligal din anila ang mabilis na paglalabas ng arrest warrant laban sa senadora.


tags: luzon, manila, DZXL, DZXL558, RMN News Nationwide: The Sound of the Nation, Leila De Lima, Supreme Court

Facebook Comments