Uusad na bukas ang oral arguments ng Supreme Court sa petition ng Duterte Youth Party-list laban sa substitution ni dating Commission on Elections o Comelec Commissioner Ma. Rowena Guanzon sa P3PWD Party-list nominee.
Magsisimula ang oral argument proceedings bukas dakong alas-2:00 ng hapon.
Una nang kinuwestiyon ng Duterte Youth ang substitution sa P3PWD Party-list nominee.
Kapwa hiniling sa Korte Suprema ng mag-asawang Duterte Youth Party-list Representative Marie Cardema at Chairperson Ronald Cardema na ipawalang-bisa ang resolusyon ng Comelec na nag-aapruba sa substitution ng P3PWD’s nominees, dahil ito anila ay grave abuse of discretion.
Iginiit din ng petitioners na ang substitution sa P3PWD ay hindi lamang paglabag sa Comelec Deadline Rule, subalit ito ay paglabag din sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.