Speaker Romualdez, itinanggi na utos niya ang pangangalap ng pirma para sa People’s Initiative

Mariing pinabulaanan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualez na siya ang nag-utos na mangalap ng pirma para sa People’s Initiative para sa isinusulong na pag-amyenda sa mga economic provision ng 1987 Contitution.

Tugon ito ni Romualdez nang hingan ng reaksyon ukol sa sinabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mayroon umanong isang kongresista ang nagsabi sa kanya na ang pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative ay alinsunod sa deriktiba ni Speaker Romualdez.

Diin ni Romualdez, hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Senator Dela Rosa.


Dagdag pa ni Romualdez, mainam na huwag na siyang magkomento sa pahayag ni Senator Dela Rosa lalo’t hindi naman nito pinangalanan kung sino ang kongresista ang kanyang nakausap.

Facebook Comments