Oral arguments para sa mga petisyong kontra martial law sa Mindanao, isasagawa ngayong linggo

Manila, Philippines – Pinag-isa na ng Korte Suprema ang apat na petisyon kontra sa one-year martial law sa Mindanao.

Ito’y nakatakdang isalang sa oral arguments sa Martes (Jan. 16), alas-2:00 ng hapon at Miyerkules (Jan. 17), alas-10:00 ng umaga.

Pinangalanan si Defense Sec. Delfin Lorenzana bilang principal respondents’ kasama si AFP Chief, Gen. Rey Guerrero, Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.


Humiling ang mga petitioner sa kataas-taasang hukuman ng Temporary Restraining Order (TRO) para maglabas ang mga respondents ng factual basis para sa pagpapalawig ng martial law sa mindanao ng hanggang isang taon.

Umapela pa ang mga petitioner sa Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang extension dahil sa kawalan ng matibay na basehan.

Facebook Comments