LIBRE | Implementing Rules and Regulations para sa free internet access in public places act, ilalabas ng DICT sa susunod na linggo

72

*Manila, Philippines – *Ilalabas na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa free public internet sa susunod na linggo.

Ito’y alinsunod sa nilagdaang ‘free internet access in public places act’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng internet access ang nasa 13,000 lugar sa bansa.

*Kakabitan ng libreng internet ang mga sumusunod:*
National at local government agencies
Public schools
State universities and colleges
Pampublikong ospital
Health centers at rural health units
Park
Plaza
Public libraries
Barangay reading centers
Airport
Seaports
Public transport terminals

Facebook Comments