Oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terror Act, ipinagpatuloy ngayong araw sa Korte Suprema

Sa kanyang pagharap sa Korte Suprema bilang abogado ng pamahalaan sa mga petisyon kontra Anti-Terror Act, kinuwestiyon ni Solicitor General Jose Calida ang interes ng ilang petitioners sa kaso.

Ayon kay Calida, ilan sa petitioners ay walang material at substantial interest sa kaso.

Kinuwestiyon din ni Calida ang petitions na wala namang justiciable controversy o conflict sa legal rights.


Iginiit din ni Calida ang kahulugan ng terrorism ay hindi naman malabo o malawak.

Aniya, ang Anti-Terrorism Act ay hindi rin lumalabag sa karapatan para sa speedy trial o speedy disposition ng mga kaso.

Nilinaw rin ni Calida na ang gobyerno ay hindi kalaban ng mamamayan.

Facebook Comments