Oras ng trabaho sa Malabon City Hall, pinaikli dahil sa Araw ng mga Puso

Hanggang alas-tres na lang ngayon ng hapon ang oras ng trabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makasama ang kanilang pamilya sa Araw ng mga Puso.

Gayunpaman, tiniyak ng lokal na pamahalaan na mananatiling bukas at magpapatuloy sa normal na operasyon ang mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo gaya ng pangkalusugan, emergency response, at iba pang mahahalagang serbisyo sa lungsod.


Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa pang-unawa at kooperasyon ng publiko sa naturang hakbang.

Facebook Comments