Dayalogo sa commuters ng LRT at MRT, hiniling kay bagong talagang DOTr Secretary Dizon

Agad humiling ng dayalogo ang Akbayan Party-list kay bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

Layunin ng dayalogo na pag-usapan ang iba’t ibang isyu sa sektor ng transportasyon tulad ng apela na pahabain ang oras ng operasyon ng Light Rail Transt at Metro Rail Transit o LRT at MRT.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, mahalaga ring idulog kay Dizon ang pagtutol sa mga isinusulong na pagtaas ng pamasahe gayundin ang improvement sa EDSA bus lanes.


Umaasa si Cendaña na sa pag-upo ni Dizon sa DOTr sa February 21, sana ay ang mga ito ang una niyang asikasuhin.

Giit ni Cendaña, napakalaking tulong sa publiko kung maitutulad sa ibang bansa ang sebisyo at kalidad ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments